Mangyaring pakitandaan po lamang na tumatanggap lang po kami ng konsultasyon patungkol sa mga karaniwang epekto at ang panganib ng reaksyon hindi po kami tumutugon doon sa mga konsultasyon patungkol sa reserbasyon.

1 Mga wikang maaaring gamitin

12 na mga Wika
Portugal, Vietnam, Intsek(Mandarin), Koreano, Tagalog, Espanyol/Kastila, Indonesia, Inglis/English, Thai, Hendi, Russia, Nepal

2 Nakahandang Serbisyo

  Ang interpretasyon ay ginaganap sa aktuwal na oras (Real-time) sa pamamagitan ng isang tatlong panig na paguusap-usap (three-way call).

3 Nakahandang oras ng serbisyo

  24 oras

4 Kontak na numero ng tanggapan

Numero ng Telepono

 077-528-3588(Araw 24 oras)

Numero ng Fax

 077-528-4867

e-mail address

 corona_vaccination_shiga@medi-staffsup.com

5 Pakitandaan

Tumutugon lamang po kami sa mga konsulta na nangangailangan ng kaalamang medikal tulad ng mga pangkaraniwang epekto at panganib na reaksyon. Para sa iba pang mga konsultasyon tungkol sa mga tiket at mga lugar ng pagpabakuna, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa call center sa inyong munisipalidad.
Sa partikular, mangyaring tandaan na hindi kami maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa mga pagpapareserba.