Lumikha kami ng isang sistema ng pautang (financing) para sa panandaliang negosyo upang suportahan ang pagpipinansa ng apektadong mga maliit/ka-tamtaman ang laking negosyo dahil sa pagdedeklara ng “State of Emergency”.

Kabuuan

Maaring gamit ng pondo
 A. Puhunan na kinakailangan para sa pagbili ng mga produkto, pambayad sa mga gastusin, pasahod sa mga empleyado at iba pa
 B. Pantawid na puhunan hanggang sa maibigay ang mga tulong pinansyal mula sa gobyerno at/o prepektura (*para lamang sa mga may kaugnayan sa impeksyon ng COVID-19)
Mga makakatanggap
Mga maliit/katamtaman ang laking negosyo na direkta o hindi direktang naapektuhan ng impeksyon ng COVID-19
Limitasyon ng pondo
10,000,000 yen
Interes ng pondo
inakda ng mga institusyong pangpinansyal(mga 2.2% kada taon)
Garantiya
Siguradong garantisado
Halaga ng garantiya
0% kada taon(Buong halaga at papasanin ng prepektura)

Simula ng pagtanggap ng aplikasyon

Ika-1 ng Setyembre 2021 (Miyerkules)

Pagpapadalhan ng aplikasyon

Loan service financial institution ng prepektura