*Ang mga mamamayan ng Prepektura ng Shiga ay hindi kailangang ng ticket mula sa mga convenience store sa paglalakbay sa ibang mga prepektura.

Sa ngayon, ang mga mamamayan ng prepektura ay maaring lumahok sa kampanya sa mga Prepektura ng Fukui, Wakayama, Gifu, Mie, Kyoto, Hyogo, Nara, Osaka.
Para sa mga detalye, bisitahin ang mga website ng kampanya ng bawat prepektura.

Ang pagtakbo ng kampanyang panlakbay at panunuluyan, “Tayo’y maglakbay sa Shiga ngayon na! (Ika-6 na yugto)”, ay pahahabain ayon sa nakasaad sa ibaba.

At, mula sa Setyembre 1, magbibigay pa ng karagdagang “Shiga travel and lodging coupon na 2,000 yen” para sa mga tuluyan na 10,000 yen o higit pa ang isang gabi.

Panahon ng pagtuloy

【Sa ngayon】 Hanggang Agosto 31 (Miyerkules) →
【Matapos ang pagpapahaba】 Oktubre 10 (Lunes) (mag-check out ng Oktubre 11 (Martes))
  • Ang hangganan ng paggamit ng mga nailabas nang lodging subsidy ticket (galling convenience store) ay babasahin bilang Oktubre 10.

Panahon ng paggamit ng Shiga travel and lodging coupon

Sa ngayon】 Setyembre 1 (Huwebes) →
【Matapos ang pagpapahaba】 Oktubre 11 (Martes)  
  • Ang hangganan ng paggamit ng nailabas nang Shiga travel and lodging coupon ay babasahin bilang Oktubre 11.

Magkakasunod na pagtuloy (Mula Setyembre 1)

  • Babaguhin sa hanggang 7 araw ang magkakasunod na pagtuloy.

Mga maaring makagamit

  • Mga mamamayan ng mga Prepektura ng Shiga, Fukui, Gifu, Mie, Kyoto, Hyogo, Nara, Wakayama at Osaka
  • Sa paggamit nito, bukod sa pagtiyak ng pagiging mamamayan, kailangan din magpakita ng katibayan ng pagkabakuna ng 3 beses o negatibong resulta ng (PCR) test.
  • Depende sa kalagayan ng pagkalat ng COVID-19, maaring magkaron ng mga pagbabago ang proyektong ito ng walang pasabi. Matapos magpareserba, ugaliing tiyakin ang pinakahuling lagay sa website na ito.
  • Sa paggamit nito, tiyakin ang reserbasyon at bumili ng ticket sa convenience store. Depende sa kalagayan, sa pagkakataong itigil ang kampanyang ito, hindi ibabalik ang binayad sa (mga) ticket sa convenience store.

Mga benepisyo

【Lodging plan】Kung mula 4,000 hanggang 9,999 yen
Lodging assistance: 3,000 yen/ Shiga travel and lodging coupon:○Sa mga bibigyan 2,000 yen
【Lodging plan】Kung higit sa 10,000 yen
Lodging assistance: 6,000 yen/ Shiga travel and lodging coupon: ○Sa mga bibigyan 4,000 yen

Mga makakatanggap Mga mamamayan ng Prepektura ng Shiga, at lahat ng mga mamamayan ng Fukui, Wakayama, Gifu, Mie, Nara, Hyogo, Kyoto at Osaka

*Sa pag-check in, bukod sa pagtiyak ng katibayan (lisensya, Mynumber card, atbp.) ng pagiging mamamayan (tirahan) ng lahat ng tutuloy, kailangan din magpakita ng katibayan ng pagkabakuna ng 3 beses o negatibong resulta ng (PCR) test.

Lugar na bilihan ng mga convenience store ticket

Mga 7-11, Lawson, Mini stop sa Prepektura ng Shiga

Panahon ng pagtuloy

Mula Abril 15, 2022 (Biyernes) hanggang Setyembre 30, 2022 (Biyernes)

Pag-aplay ng Lodging plan

<Travel agency>
Mga travel agency ng Prepektura ng Shiga *Dalhin ang ticket mula sa convenience store.
<Pagreserba online>
Dito ang “Kumpara&Hanapin”
Dito ang “Rurubu”
Dito ang “Jalan”
  

Mga kalahok na tuluyan

Higit sa 190 na tuluyan (Ryokan, hotel) sa loob ng prepektura    

Shiga travel and lodging coupon

Ang coupon na ito ay magagamit sa higit 590 na mga tuluyang pangturismo, mga kainan, atbp. 
Para sa mga kalahok na tuluyan at detalye ng kampanya, nakapaliwanag ito sa website ng Biwako Visitors Bureau Public Interest Incorporated Association (Wikang Hapon lamang)