Kabuuran ng proyekto

  • Sakop na panahon: Ika-10 ng Enero (Martes) – Ika-30 ng Marso. 2023 (Huwebes))
  • ※Mga tuluyan na sakop: ang “check out” ay ika-31 ng Marso (Biyernes)
    ※Maaring magbago ang katapusan.
  • Maaring gumamit: Mga magbibiyaheng nakatira na sa bansang Hapon
  • Detalye ng tulong:

     Sakop ng tulong

    【Tuluyan】 May kasamang pamasahe klase*1

    Pinakamataas na halaga ng tulong sa biyahe  5,000 yen/tao/araw
    Halaga ng kupon (limitado sa rehiyon) *2   【Lunes-Biyernes】 2,000 yen/tao/araw   【Sabado-Linggo/Pista Opisyal 】1,000 yen/tao/araw

    【Tuluyan】 Walang kasamang pamasahe klase (tuluyan lamang atbp.)

    Pinakamataas na halaga ng tulong sa biyahe  3,000 yen/tao/araw
    Halaga ng kupon (limitado sa rehiyon)*2   【Lunes-Biyernes】 2,000 yen/tao/araw   【Sabado-Linggo/Pista Opisyal 】1,000 yen/tao/araw

    【Uwiiang biyahe】

    Pinakamataas na halaga ng tulong sa biyahe  3,000 yen/tao
    Halaga ng kupon (limitado sa rehiyon)*2  【Lunes-Biyernes】 2,000 yen/tao/araw   【Sabado-Linggo/Pista Opisyal 】1,000 yen/tao/araw

  • Pinakamababang babayarang halaga kada-1 tao/1 gabi Lun.-Biy. 3,000 yen, Sab.-Lin. 2,000 yen.
  • Para sa dere-derechong tuloy kada 1 beses ay: hanggang 7 gabi lamang.
  • ※1 Biyaheng may kasamang pagsakay sa “metro” (tren), bus, taxi, arkiladong sasakyan, atbp. na tumutugon sa batayan na nilatag ng pamahalaan
    ※2 Para sa direktang aplikasyon sa opisyal na website ng pasilidad ng tirahan, atbp., isang kupon na 2,000 yen ay idadagdag sa presyo ng pananatili na 5,000 yen o higit pa.

Paraan ng paggamit

Hindi na kailangang bumili sa mga “convenience store” ng kupon. Maaring mag-aplay mula sa isa sa sumusunod na mga paraan.
  • Mag-aplay direkta sa tuluyan (pampublikong “website”, telepono, atbp.)
    ※Kapag ganitong paraan, kailangan maglabas ng kupon ng diskwenta gamit ang website ng STAYNAVI (wikang Hapon lamang)
  • Mag-aplay sa mga tanggapan ng mga kumpanya sa paglalakbay
  • Mag-aplay sa OTA- Online Travel Agent

Kundisyon ng paggamit

  • Bukod sa pagpapakita ng dokyumento ng pagkakakilanlan upang matukoy ang tirahan, kailangan ding ang “Katibayan ng 3-beses na pagbabakuna (COVID-19)” o “Katibayan ng resultang pagiging negatibo”.

Iba pang detalye

  • Para sa detalye, bisitahin ang espesyal na ginawang “website” (wikang Hapon lamang) https://imakoso-shiga.jp/
  • “website” (wikang Hapon lamang)
  • Ayon sa magiging kalagayan ng pagkalat ng impeksyon (COVID-19) atbp., maaring magbago ang nilalaman nito o matigil ito.

Sanggunian (Wikang Hapon lamang)

Pambansang tayo’y maglakbay sa Shiga ngayon na! Tanggapan (call center)
(Lunes-Biyernes 10 n.u. – 5 n.h.)
Para sa mga indibidwal: 0570-200-368
Para sa mga kumpanya: 0570-666-587

〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa:

Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga  
(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/counsel