Suportang -pinasiyal para doon sa mga nagpapatakbo ng negosyo na nakipagtulungan at tumugon sa panawagan ng prepektura na pansamantalang isara at paiklian ang oras ng negosyo bilang pagpapatupad ng hakbang sa pag iwas sa paglaganap ng nakakahawang sakit na coronavirus.

Pangkalahatang-ideya ng sistema

Dahil sa pagpapatupad ng mga hakbang pang-emerhensiya ng prepektura,tinatawagan ang mga negosyante na makipagtulungan at tumugon doon sa panawagan sa pansamantalang pagpasara at paiklian ang oras ng negosyo
Bilang tugon sa kahilingan na ito, magbibigay ng suporta-pinansiyal sa mga negosyong Malaki,Katamtaman at Maliit( SMEs) sa prepektura.

at para doon din sa mga nag-iisang nagmamay ari na nakipagtulungan nitong buong bakasyon

Bilang isang pangkalahatang panuntunan ang mga nakipagtulungan na mga maliliit at katamtamang laki na mga negosyo pati na ang mga mag-isang nagmamay ari na negosyo na tumugon sa kahilingan mula sa mga panahon mula Abril 25 hanggang Mayo 6
(kasama na pati ang mga nagsarang negosyo bago mag Abril 25.)
Maliit at Katamtamang laki na negosyo:Pantay na ayuda 200,000yen(20 Lapad)
Sariling pagmamay ari na negosyo:Pantay na ayuda 100,000yen(10 Lapad)
※Bilang karagdagan, mayroong mga munisipalidad na nagpaplano na magdagdag ng kanilang sariling pang ayuda (ipapaalam mamaya ang mga detalye ).

Mga pamamaraan ng aplikasyon at mga dokumento ng aplikasyon

Pagtanggapan ng aplikasyon

2020 Mayo 7 (Huwebes) hanggang Hunyo 26 (Biyernes)

Paraan ng pagtanggap ng aplikasyon

Paraan ng pagtanggap ng aplikasyon,ipadala sa koreo(postal mail)at sa online na pagtanggap.
【kung gagawin sa online ang aplikasyon】
Maaari kang mag-aplay mula sa website ng Shiga Prefectural Office (Shiga online reception service/Shiga net uketsuki sabisu).
at, mangyaring kumpletuhin ang pag apply hanggang alas 5:00 ng hapon, Hunyo 26 (Biyernes) mangyaring kumpletuhin ito.
※Hindi madali ang pagpasok(input) ng mga aytem(Item)maraming mga problema din ang makakaharap, ngunit mayroon din mga temporariyong paraan para gumana at maipasok ito upang makapasok ng mga item, ngunit mayroon ding pansamantalang gamit para pag-save ng function, kaya mangyaring gamitin ito.
【Kung gagawin sa pamamagitan ng pagpadala sa Koreo ang aplikasyon】
Maari kang mag apply sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga papeles sa sumusunod na address.
Simple registerd mail(Kan-i kakitome) mangyaring ipadala ito sa koreo. May nakatalang petsa nakapostmark ng Hunyo, 26 (Biyernes).
(Padadalhan na lugar)
〒520-8577 Shiga Prefecture Office Kyomachi 4-1-1, Otsu Shiga
Shingata Coronavirus Kansen Kakudai Boushi Rinji Shienkin Uketsuke

Mga kailangan na ipasang mga dokumento

  • Porma ng aplikasyon
  • Sulat-panunumpa (written oath)
  • Porma ng deriktang pagdeposito
  • Pagpapatunay ng Sariling pagkilanlan
  • Dokumentong nagpapatibay ng hakbang sa pag iwas impeksiyon sa araw ng pag apela para sa pagbukod sa sarili(Abril 23) *1. O kaya'y dokumento na nagpapakita sa katayuan na may kaugnayan sa negosyo. (※1)Mga dokumentong nagpapakita ng mga binayarang buwis kamakailan(latest) . (※2)kopya ng larawan ng website,karatula ng tindahan sa harapan, mga pahayagan upang maipaalam ang pagkakasara ng tindahan/negosyo, kailangan klaro ang nakasulat na pangalan ng lugar ng negosyo at oras ng(Pagpapaikli at pagpapasara nito.

Kontakin

Emergency measures call center: 077-528-1344 (Wikang Hapon lamang)