Tungkol sa Sistemang pang-emerhensiyang medikal sa pagtatapos ng taon. At bilang kasama sa pagtugon sa pag iwas impeksiyon sa COVID-19 sa panahon ng bakasyon sa pagtatapos ng taon.

Ipinapaalam po sa lahat ang mga sumusunod patungkol sa emerhensiyang-medikal sa bagong taon , at mga iba pang pasilidad pang medikal sa panahon ng bakasyon sa pagtatapoos ng taon at bagong taon.
Pagtugon sa pag iwas- hawa sa COVID-19 sa panahon ng bakasyon sa pagtatapos ng taon at bagong taon (Sa mga taong may ubo at sipon katulad ng mga sintomas kagaya ng lagnat

1.Tungkol sa Gamutan pang-medikal

  • Bagamat halos karamihan sa mga klinika ay sarado sa panahon ng bakasyon sa pagtatapos ng taon at sa bagong taon.kadalasan isinasagawa ang gamutan sa mga klinikang Pang-emerhensiya sa panahon ng bakasyon.
  • Kung may mga sintomas katulad ng lagnat,masakit ang lalamunan, masakit ang ulo,pagtatae,Panghihina, kawalan ng pang amoy at panlasa, at upang maiwasan magkaroon ng malapitang kontak sa ibang mga pasyente, kinakailangan makipag ugnyan muna sa telepono at iba pa bago bumisita sa klinika/pagamutan para mabigyan kayo ng tagubilin sa pamamaraan ng konsultasyon.

2.Tungkol sa Pagsusuri/Eksaminasyon

  • Pagkatapos makuha ang resulta ng medikal na eksaminasyon, kung sakaling kinakailangan sumailalim sa pagsusuri ng COVID-19, May nakahandang Sistema para sa pagpapasuri.

3.Tungkol sa Konsultasyon/Pagsangguni

Kung naguguluhan kayo kung saan ba dapat magpatingin o magpakonsulta,kagaya, kung sakali ang inyong doktor o ang institusyong medikal na malapit sa inyo ay walang serbisyo para sa paggamot, May nakahandang serbisyo ang sentro ng konsultasyon na 24 oras/ kada araw upang matingnan kayo.

Konsultasyon. Kontak na impormasyon sa Sentro ng Konsultasyon

Tinitirahang lugar: Mga nakatira sa Otsu-shi
Telepono 077-526-5411
FAX 077-525-6161
Tinitirahang lugar: Nakatira sa labas ng Otsu-shi
Telepono 077-528-3621
FAX 077-528-4865

Tungkol sa Sistema ng Pang-emerhensiyang medikal sa pagtatapos ng taon at bagong taon na bakasyon.

Mga Institusyong pang-medikal na gumagamut kung ang antas ng medikal na kondisyon o sugat ay hindi masyadong malubha(katamtaman lang).

Talahanayan ng mga Pangunahing Pang-emerhensiyang institusyon- medikal sa panahon ng bakasyon sa bagong taon. PDF
BAGO MAGPATINGIN KUMUNSULTAMUNA GAMIT NG TELEPONO!