Ipapatupad sa Prepektura ng Shiga ang pamimigay ng tulong-pinansiyal para doon sa mga kainan at inuman na nakipagtulungang ipatupad ang mga pangunahing hakbangin iwas -impeksiyon kasama dito ang mga kainan at inuman na tumugon sa kahilingan ng prepektura na paikliin ang oras ng pagpatakbo ng negosyo tulad ng mga sumusunod.

Panahon na hinihiling ang kooperasyon

12am Linggo, Agosto 8, 2021 – 12am Miyerkules, Septyembre 1, 2021

Mga tindahang saklaw sa mabibigyan at halaga ng makukuhang tulong-pinansiyal

1.  Mga kainan at inuman sa 13 na lungsod ng prepektura : rehiyon na napapailalim sa mga prayoridad ng mga panukalang-hakbangin.

■ Mga lugar

Lungsod ng Otsu, Kusatsu, Moriyama, Ritto, Yasu, Higashiomi, Omihachiman, Koka, Konan, Hikone, Nagahama, Maibara, at Takashima

■ Mga tindahan na kabilang sa mga mabibigyan

Mga kainan at inuman na nagpapatakbo ng negosyo mula sa mga oras sa pagitan ng 8pm hanggang 5am na mga oras bago manawagan ng pagpapahigpit

■ Kondisyon sa pagbibigay

  • Pinaikli ang oras sa pagpapatakbo ng negosyo sa pagitan ng mga oras ng 5am at 9pm sa loob ng buong panahong oras na hiniling na paikliin
  • Pagbabawal/suspendido ang pag alok ng alak
  • Ipapaskil ang pahayag na papel upang ipaalam ang tungkol sa pagpaikli sa pagpatakbo ng negosyo
  • Pagsunod sa mga tagubilin ng Pamahalaan kontra- impeksiyon sa COVID-19
  • Ang "Moshi-sapo Shiga" ay ipinatutupad at ang "Pahayag para sa pagpapatupad ng mga hakbang kontra- impeksyon" ay ipinapakita
  • Papel para sa aplikasyon

    ■ Halaga ng tulong-pinansiyal

    【Mga maliit – katamtamang laki ng negosyo (malilit na mga negosyo , kasama na ang solong nagpapatkbo ng negosyo)】
  • 30,000yen – 100,000yen/araw x bilang ng mga araw (hindi kasama ang araw na karaniwang walang pasok ang tindahan) ayon sa benta
  • 【Para sa mga malalaking negosyo/kumpanya】
  • Pagbaba ng araw-araw na benta/araw x 0.4 (aabot sa 200,000yen/araw)
  • At maari din itong possible sa mga maliit-katamtamang laki na mga negosyo.
  • 2. Mga kainan/inuman sa 6 na bayan sa loob ng prepektura

    ■  Lugar

    Mga bayan ng Hino, Ryuo, Aisho, Toyosato, Kora, Taga

    ■ Mga tindahan na nararapat makatangap

    Mga kainan/inuman na nagbubukas ang mga oras ng negosyo sa pagitan ng mga oras ng 9pm at 5am bago manawagan ng paghihigpit

    ■ Kondisyon sa pagbigay

  • Pag-igsi ng oras ng operasyon sa pagitan ng ika-5 ng umaga at ika-9 ng gabi, sa buong panahon na hiniling ng prepektura
  • Pag-alok ng alkohol (inumin) mula ika-11 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi lamang
  • Paglalahad ng mga flyer na nagsasabi ng pag-igsi ng oras ng operasyon
  • Pagsunod sa mga patnubay ng gobyerno sa pag-iwas ng paglaganap ng impeksyon ng COVID-19
  • Pagpapakilala ng “Moshi-Sapo Shiga” at pagpapakita ng “Pahayag ng pagsunod sa mga hakbang para makaiwas sa paglaganap ng impeksyon”
  • ■ Halaga ng tulong

    【Para sa mga maliit o katamtamang laking negosyo/kumpanya (kasama ang mga maliliit na negosyo at self-employed)】
  • Depende sa benta, 25,000-75,000 yen/araw × dami ng araw (maliban pagnakasara)
  • 【Para sa mga malalaking negosyo/kumpanya】
  • Binabang halaga ng benta kada araw × 0.4 (hanggang 200,000 yen/araw)
  • Maari ding mag-aplay bilang maliit o katamtamang laking negosyo/ kumpanya
  • Ang panahon at ang pamamaraan ng aplikasyon

    Kapag mayroon ng detalye, makikita ito sa home page ng prepektura.

    Sanggunian

    Call center para doon sa mga pinaikli ang oras ng operasyon/takbo ng negosyo sa Prepektura ng Shiga (Nihongo lamang)
    TEL 077-528-1341
    Oras ng pagbukas: Lunes – Biyernes 9 a.m. – 5:00 p.m.