Magpapahatid(deliber) ang Prepektura ng Shiga ng kanilang hatid-regalong proyekto na SHIGA SMILE BABY PROJECT (pasasalamat sa inyong panganganak sa shiga) na may mga mensaheng. “Pagbati” at “Pasasalamat”para sa mga batang ipinanganak sa Shiga at sa mga miyembro ng pamilya upang makabuuo ng isang pang-buong lipunang diwa para suportahan ang panganganak at pagiging magulang. Magpapahatid ng kanilang “Pasasalamat na regalo” ang Prepektura ng Shiga doon sa mga sanggol na ipinanganak sa Shiga at mensaheng pasasalamat din para doon sa mga miyembro ng pamilya ayon sa sumusunod.

1 Tungkol sa paghatid(deliber)

(1)Paano isasagawa ang paghatid

・Ang tauhan ng kooperatiba ng Shiga na may pinagkasunduang komprehensibong samahan sa Prepektura ang siyang maghahatid(deliber)

(2)Umpisa ng paghahatid(deliber)

・Setyembre 13, 2021

(3)Nilalaman ng “Pasasalamat na regalo”

・Shigakko na pasaporte (munting babasahin para sa pagiging magulang/leaflet), Bigas ng Omi,Mga regalong gawa mismo mula sa Shiga , Mga regalo mula sa mga korporasyon na may kabubuang 10 na mga bagay.nagpapabago-bago ito depende sa panahon ng paghatid).

2 Aplikasyon

Kasalukuyang nagtatanggapan ng aplikasyon, mangyaring mag apply kung kabilang kayo sa nararapat.

(1)Mga taong nararapat

Mga sanggol na ipinanganak sa pagitan ng Buwan ng Abril 1, 2021 ~Marso 31, 2022(Piskal na taon 2021)
・Limitado lang ito para doon sa mga nakatira sa Shiga sa mga panahon ng paghahatid na may address ng paghahatiran sa Prepektura ng Shiga.
・Ang aplikasyon ay limitado lang para doon sa mga tagapangalaga ng sanggol.

(2) Pamamaraan ng aplikasyon

Mangyaring mag apply sa sumusunod na sayt.
Aplikasyon sayt (Wikang hapon lamang)