※Tapos na ang tanggapan ng aplikasyon
Isang pam- prayoridad na pangkat ang itinatag sa parehong mga sentro ng pagbabakuna sa buong timog at hilagang lugar para sa mga mag-aaral na naghahanda para sa mga pagsusulit at mag-aaral na naghahanap ng trabaho na nais makatanggap ng mga pagbabakuna.

1.Karapat-dapat

 Ang mga tumutugon sa lahat ng mga sumusunod
  1. Sa mga 16 taon gulang, mababa(hindi kabilang) 30 taon gulang
  2. Mga mag aaral na naghahanda sa pagpasok sa Unibersidad o sa mga pang-espesyalistang mga paaralan, o sa mga mag aaral na naghahanap ng trabaho
  3. Naninirahan sa Prepektura at na may tiket para sa pagpabakuna na ipinamigay ng munusipyo ng lokal na pamahalaan ng prepektura, o doon sa mga pumapasok na mga mag aaral sa prepektura
  4. Para sa mga taong unang dosis ng pagpapabakuna

2.Petsa para sa Prayoridad na pangkat/grupo

Mula Setyembre 27 (lunes) hanggang Oktubre 29 (biyernes)
※Mangyaring tingnan ang sayt para sa pagpapareserba patungkol sa petsa at oras.

3.Lokasyon

・Southern area vaccination center Oh! Me Otsu Terrace 3rd floor (14-30 Uchidehama, Otsu City)
・Northern area vaccination center University of Shiga Prefecture, Gymnasium (2500 Hassaka-cho, Hikone City)

4.Simula ng ReserbasyonSe

 Setyembre 16, 2021 (huwebes) alas sais(6) ng hapon  

5.Paano magpareserba

Tinatanggap lang ang aplikasyon sa online sa pamamagitan ng reserbasyon sa sayt ng link na nakalagay sa homepage (HP) ng prepektura.
Ang sayt para reserbasyon para sa pagpapabakuna sa buong prepektura (Wikang hapon lamang)
Para sa mga detalye, Mangyaring sumangguni sa Sentro para sa pagpapabakuna ng buong Prepektura ng Shiga (Shiga prefecture-wide vaccination center) (malakihang inokulasyon).

6.Tungkol sa gagamitin na Bakuna

Ang gagamitin na vakuna ay “Moderna”