Ang programang ito ay nagbibigay ng bahagyang suporta para sa mga gastos na may kaugnayan sa tuluyan para sa layunin ng pag-iwas sa impeksyon sa tahanan o sa lugar ng trabaho.

■ Target

◇ Para sa mga indibidwal na makakatugon ng pangkalahatang kondisyon na nakalista sa ibaba:
  1. Mga residente ng Prepektura ng Shiga o yaong mga nagko-commute papuntang trabaho o paaralan sa loob ng prepektura
  2. Mga taong hindi nagpositibo sa COVID-19 o hindi nagkaruon ng close contact sa may kumpiradong kaso ng COVID-19
  3. Mga nagnanais na pansamantalang gumamit ng mga tuluyan sa loob ng prepektura upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa tahanan o lugar ng trabaho
◇ Nilalayong Indibidwal ng Programa
  1. Para sa mga mahahalagang manggagawa (essential workers) o yaong mga sa kasalukuyang bumibyahe mula sa hotel upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19 sa mga matatanda o mga examinee na kasambahay
  2. Para sa mga examinee mismo na pansamantalang naninirahan na malayo sa kanilang bahay sakaling may emergency
  3. Para sa mga pansamantalang naninirahan sa hotel na malapit sa lugar ng trabaho upang makaiwas sa impeksyon, atbp.

■ Diskwento

  • May makukuhang 6,000 Yen na diskwento (5,000 Yen sa aktwal) para sa pamamalagi na nagkakahalaga ng 7,000 Yen at pataas.
  • May makukuhang 3,000 Yen na diskwento (2,000 Yen sa aktwal) para sa pamamalagi na nagkakahalagang 4,000 Yen at pataas o hanggang 7,000 Yen.
  •  ※Upang magamit ang serbisyong ito, kinakailangang makabili ng tiket (1,000 kada tiket) sa convenience store bago gumawa ng reserbasyon sa tutuluyan.
     ※Maaring makabili ng tiket sa mga convenience store (7-Eleven, Lawson at Ministop).

    ■ Panahon ng Programa

    Mula Martes, ika-15 ng Pebrero, 2022 hanggang sa Huwebes, ika-31 ng Marso, 2022

    ■ Target na Tuluyan

    Higit sa 176 ryokan at hotel sa loob ng Prepektura ng Shiga

    ■ Simula ng Pagtanggap ng Reserbasyon

    Mula Martes, ika-15 ng Pebrero, 2022

    ■ Bilang ng Ticket na Mabibili

    May mabibiling 36,000 na tiket (ang mga ito ay nagkakahalagang 1,000 Yen kada isa at mabibili sa mga convenience stores sa loob ng prepektura. Ang numero ng tiket ay “0259278”.)

    ■ Daloy ng Paggamit ng Programa

    1. Bumili ng tiket sa pamamagitan ng pagpasok ng numero ng produkto, “0259278” sa terminal sa convenience store: 7-Eleven (Multi-copy), Lawson, Ministop (Loppi)
    2. Gumawa ng reserbasyon naaayon sa mga gabay ng mga pasilidad na kalahok sa programang “Shiga Safety Accommodations Discount”.
    3. Ipakita ang tiket sa check-in
    4. Magsumite ng “Confirmation and Consent Form” sa check-in, na nagdedeklara ng walang dinadanas na anumang sintomas na maaaring humantong sa COVID-19

    ■ Patnubay

    • Ang layunin ng programang ito ay pigilan ang pagkalat ng COVID-19, at magsumite ng “Confirmation and Consent Form” sa check-in, na nagdedeklara ng walang dinadanas na anumang sintomas na maaaring humantong sa COVID-19.
    • Confirmation and Consent Form
    • Kinakailangan mong makabili ng tiket sa convenience store, makagawa ng reserbasyon sa mga pasilidad na kalahok sa programang “Shiga Safety Accommodations Discount” at ipresenta ang kupon sa check-in upang makakakuha ng suporta para sa mga gastos sa pamamalagi.

    ■ Takda

    • Ang proyektong ito ay hindi maaaring gamitin kasabay ng anumang iba pang mga diskwento.
    • Hindi refundable ang mga nabiling tiket.