Pagpapagaling sa mga tuluyan

Tungkol sa pagpapagaling sa tuluyan kaugnay ng mga taong may banayad na sintomas ng COVID-19 (PDF)

Sertipiko ng pagpapagaling sa tuluyan

1 Mga nagpagaling sa mga tuluyan hanggang ika-25 ng Setyembre, 2022 (O mga nagpapagaling sa mga tuluyan hanggang ika-25 ng Setyembre, 2022)

Kung kinakailangan ng katibayan ng pagpapagaling sa tuluyan mula sa Health center, atbp., magpapadala ng Sertipiko ng pagpapagaling sa tuluyan ang Infectious Disease Prevention Division ng Prepektura.
Ipagsama ang 2 sa ibaba at ipadala sa koreo ang mga ito sa pagpapadalhan, na nakasulat sa ibaba.
Sa oras na iyon, kung may “form” na itinakda ang Health center, atbp., ipadala din iyon.
Ipapadala ang katibayan sa pamamagitan ng rehistradong koreo (registered mail).
Kung may kulang atbp. sa naipadala, maaring tiyakin ito sa pagtawag sa inyo sa telepono.
At pakiusap, karaniwang aabutin ng mga 3 linggo hanggang maipadala ang katibyan.

Mga ipapadalang magkakasama

1.Ang Sertipiko ng pagpapagaling sa tuluyan mula sa impeksyon sa COVID-19
(papel na binibigay sa oras ng pagpasok, o i-“print” ang PDF sa ibaba)
Sertipiko ng pagpapagaling sa tuluyan mula sa impeksyon sa COVID-19 (PDF)
2.Sobreng pambalik na dinikitan ng 244 yen na selyo at sinulutan ng adres ng papadalhan (Long #3 ang laki, at isulat ang pangalan ng tuluyan at adres ng papadalhan)

Pagpapasahan 

  ※Sa tuluyan kung saan nagpagaling ang sarili
Hotel Piazza Biwako
〒520-0801  6F Hotel Piazza Biwako 1-1-20 Nionohama, Otsu City, Shiga Prefecture
Shiga Prefecture Recovery Accommodation Facility Executive Secretariat
TEL: 077-524-1721
Toyoko Inn Hikone-eki Higashi-guchi
〒522-0010  Toyoko Inn Hikone-eki Higashi-guchi 2-1 Ekihigashi-cho, Hikone City, Shiga Prefecture
Shiga Prefecture Recovery Accommodation Facility Executive Secretariat
TEL: 0749-21-1051
Kusatsu Dai-ichi Hotel
〒525-0031  Kusatsu Dai-ichi Hotel 5-5 Wakatake-cho, Kusatsu City, Shiga Prefecture
Shiga Prefecture Recovery Accommodation Facility Executive Secretariat
TEL: 077-516-6428
Route Inn Kusatsu Ritto
〒520-3046  Route Inn Kusatsu Ritto 6-6-40 Ohashi, Ritto City, Shiga Prefecture
Shiga Prefecture Recovery Accommodation Facility Executive Secretariat
TEL: 090-7735-6840

2 Mga nagsimulang magpagaling mula ika-26 ng Setyembre, 2022

(1) Gamitin ang Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS para sa mga natukoy na magpasa ng Abiso ng pagkahawa.

*Dahil hindi maaring maglabas ng Sertipiko ng pagpapahinga sa tuluyan ang Prepektura ng Shiga, gamitin ang Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS o mga dokumentong malalaman ang resulta ng PCR Test na isinagawa sa mga institusyong medikal, o resulta ng pagpapatingin sa doktor, atbp.
【Mga natukoy na magpapasa】
  1. Mga nasa edad 65 taon gulang at pataas
  2. Mga nangangailangang maipasok sa ospital
  3. Mga may panganib na lumala ang sakit at kailangang uminom ng gamot para sa COVID-19, o kaya ay may panganib na lumala ang sakit at dahil sa pagkahawa sa COVID-19 ay nangangailangan ng “oxygen”
  4. Mga nagdadalang-tao
Tiyakin ang mga hakbang sa pagkuha ng Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS mula sa ibabang “file”. Sundan ang nasa ibabang “Paraan ng pagkuha ng Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS” para sa mga hakbang sa pagkuha ng Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS.
[English] “My HER-SYS” Users’ Guide (PDF) (Health Center Real Time Information-Sharing System on Covid-19(HER-SYS))
[English] "My HER-SYS" Guide For Family Use (PDF)

(2) Sa mga hindi natukoy na kailangang magpasa ng Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS, hindi maaring gamitin ang kahit isa sa: Sertipiko ng pagpapagaling sa My HER-SYS o Sertipiko ng pagpapagaling sa tuluyan ng Prepektura ng Shiga.

*Ngunit maaring magamit ang mga dokumentong malalaman ang resulta ng PCR Test na isinagawa sa mga institusyong medikal, o resulta ng pagpapatingin sa doktor, atbp.

〇Sa mga hindi nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa:

Information Center para sa mga Dayuhang Residente ng Shiga 
(Lunes-Biyernes 10:00 n.u. – 5:00 n.h. *Sarado ng Sabado, Linggo at Pista opisyal)
TEL: 077-523-5646
FAX: 077-510-0601
Email: mimitaro@s-i-a.or.jp
URL: https://www.s-i-a.or.jp/counsel