画像: 滋賀県国際協会のロゴ入り画像

Gaganapin ang “Pagdiriwang ng mga Paputok/Kuwitis sa Lawa ng Biwa/ Lake Biwa Grand Fireworks Festival /Biwako Dai Hanabi Taikai” sa darating na ika-8 ng Agosto (Biyernes).
Upang maseguro ang kaligtasan ng bawat manonood,magpapatupad ng paghihigpit sa trapiko at pagpapasara ng mga gusali sa paligid sa Lungsod ng Otsu sa araw na ito.
Dahil diyan , mangyaring pakitandaan po ang mga sumusunod: 。

  • Sa araw ng pagdiriwang, hindi na kayo maaring makapasok sa tanggapan (Piazza Omi) pagkatapos ng 4:30 pm (sarado ang pasilidad)
  • Lahat ng mga bisita ay kailangan lumabas ng 5:00 pm (kailangan matapos ang konsultasyon ayon sa nakaeskedyul na oras))
  • At ang lahat ng mga tauhan/staff ay kailangan lumabas ng 5:30pm (Ang oras ng serbisyo ay kailangan matapos ayon sa nakaeskedyul na oras)
Inaasahan ang malawakang pang unawa at kooperasyon ng lahat.

〈Sanggunian〉

Mga paghihigpit sa trapiko sa panahon ng pagdiriwang ng mga paputok/kuwitis sa Lawa ng Biwa(Biwako)