※Kung nakatira ka sa Prepektura ng Shiga, hindi mo kailangan ng tiket sa convenience store (Konbini) kapag naglalakbay sa ibang prepektura.。

Sa kasalukuyan, maaaring samantalahin ng mga residente ng Prepektura ng Shiga ang mga kampanya sa Prepektura ng Fukui, Wakayama, Gifu, Mie, Kyoto, Osaka, at Hyogo.Simula Mayo 13 (Biyernes), maaring magamit ng mga mamayan ng Shiga ang kampanyang ito sa mga sumusunod na lugar, Prepektura ng Fukui, Wakayama, Gifu, at Mie .
Para sa buong detalye maari po ninyong itsek ang mga impormasyon sa mga lugar ng kampanya ng bawat prepektura.

Pinalawig ang panahon ng kampanya para sa Turismo at sa mga panuluyan pasilidad 「Ngayon na! maglakbay tayo sa Shiga」 Pang ika-6 na yugto.

■Ang bisa ng panahon para sa mga kupon na ibenibenta sa mga convenience store

【Kasalukuyan】 Hunyo 30(Huwebes)→
【Pinalawig hanggang】 Agosto 31(Miyerkules) (Septyembre 1(Huwebes)Maaring lumabas/check-out.
  • Ang mga kupon ng convenience store(konbini) na naibenta na(isyu) sa kampanyang “Ngayon na! Maglakbay tayo sa Shiga, Pang-ika-6 na yugto /Papunta at pabalik na tiket at subsidyong kupon para sa panuluyan” na may petsa ng paggamit (Abril 28, Mayo 31 o Hunyo 30) ay maari pa rin magamit sa Agosto 31. Ang bisa ng pinalawig na panahon para sa ibenibentang suportang kupon sa convenience store para sa kampanya ng turismo at sa mga panuluyang pasilidad ng Ngayon na! maglakbay tayo sa Shiga ika-6 na yugto na nakatakda nung Abril 28 ay pinalawig hanggang Mayo 31.

■Ang bisa ng panahon para sa mga suportang kupon na ibenibenta sa mga convenience store ng Shiga Shuyu Travel Coupons

【Kasalukuyan】Hulyo 1(Biyernes)  →
【Pinalawig】 Septyembre 1(Huwebes) 
  • Ang mga panahon ng paggamit sa mga sumusunod (Abril 29, Hunyo 1 o Hulyo 1) ay maari pa rin itong magamit sa Septyembre 1. Ang bisa ng suportang tiket na nakatakda sa panahon ng (Abril 29) ay pinalawig hanggang Hunyo 1.
  • Pinalawig ang bisa ng panahon hanggang Hunyo 1, dahilan sa ang kampanya ay nasasaklaw sa suportang programa para doon sa mga negosyong pan- lokal na turismo sa ilalim ng Ahensiya ng Turismo ng Japan.
  • Upang magamit ang serbisyo, kakailanganin mong magpakita ng patunay ng iyong kasaysayan ng pagbabakuna o mga negatibong resulta ng pagsusuri sa Coronavirus ng 2 beses (COVID-19), pati na rin ang patunay na ikaw ay residente ng prepektura.
  • Depende sa sitwasyon ng Coronavirus (COVID-19), maaring magbago ang programa na ito nang walang abiso. Mangyaring palaging suriin ang website na ito para sa pinakabagong impormasyon pagkatapos gumawa ng reserbasyon.
  • Mangyaring kumpirmahin ang iyong reserbasyong at bumili ng ticket sa convenience store.
  • Sa iyong paglalakbay, mangyaring sundin ang “Bagong Etiquette sa Paglalakbay” (Nihongo lamang) Nawa ang iyong paglalakbay ay puno ng kasiyahan.

Mga Benepisyo

【Pamamalagi sa Hotel】 4,000 ~ 9,999 Yen
Tulong-pinansyal: 3,000 Yen/ Shiga tour coupon: ○Target ng pamamahagi
【Pamamalagi sa Hotel】 10,000 Yen Pataas
Tulong-pinansyal: 6,000 Yen/ Shiga tour coupon: ○Target ng pamamahagi

Target Mamamayang ng Shiga

※Sa oras ng check-in, kinakailangang kumpirmahin na ikaw ay isang mamamayan ng prepektura at ipakita din ang kasaysayan ng 2 beses na pagbabakuna o mga negatibong resulta ng pagsusuri.

Saan makakabili ng mga ticket

7-Eleven, Lawson, Ministop sa luob ng Prepektura ng Shiga

Panahon ng Promosyon

Mula Abril 15, 2022 (Biyernes) hanggang Agosto 31, 2022(Miyerkules)

Paraan ng pag-aply

<Ahensya ng Paglalakbay>
Mga aheynsya ng paglalakbay sa luob ng Prepektura ng Shiga ※Mangyaring dalhin ang ticket na binili sa convenience store.
<Online Reservation Site>
Ihambing at maghanap mula sa mga ito:
“Rurubu”
”Jalan”
  

Mga target na hotel

Higit sa 190 hotels sa luob ng Prepektura ng Shiga  

Tungkol sa Shiga Tour Coupon

Ang Shiga Tour Coupon ay isang kupon na nagkakahalaga ng 2,000 Yen at maaring gamitin sa higit sa 590 lokasyon tulad ng mga tourist spots at restawran sa Prepektura ng Shiga. 
Para sa karagdagang impormasyon tulad ng target na pasilidad ay iaanunsyo sa website ng Biwako Visitors Bureau. (Nihongo lamang)