
Mga nilalaman ng konsultasyon
Naghahanap ng bahay na matitirahan?
Sagot
Mga impormasyon para sa paghahanap ng mga pabahay. Mga pabahay tulad ng “Koei Jutaku/ Pampublikong Pabahay”, “Chintai Jutaku/ Paupahang Pabahay”, “Mochi Ie/ Sariling Pabahay”.
☆ Pampublikong Pabahay /Koei Jutaku
Ang pampublikong pabahay ay maaring maupahan ng mga taong makakatugon sa ilang partikular na kundisyon, tulad ng mabababa ang kita. Pana-panahong ginaganap ang pangangalap sa mga nais umupa, at ang pabahay ay tinutukoy sa pamamagitan ng paripahan. Sa prepektura ng Shiga, mayroong mga pam-prepekturang pabahay, at ang ilang lungsod at bayan ay may pang-munisipal at pabahay ng bayan. May mga kinakailangang dokumento para sa katayuan ng paninirahan at kita, kaya mangyaring suriin ang mga ito.Pabahay ng Prepektura /Ken-ei Jutaku
Mayron Pam-prepekturang Pabahay sa Shiga sa bawat rihiyon nito. Ang tanggapan ay ginaganap apat na beses sa isang taon (Abril, Hulyo, Oktubre, Enero).Shiga Ken-ei Jutaku Kanri Center (Sentro ng Tagapangasiwa ng Pam-prepekturang Pabahayー
TEL: 077-510-1500(Pangunahing telepono)TEL: 077-510-1501(Para sa mga Dayuhan)
Pabahay ng Munisipyo/Bayan /Shiei/choei Jutaku
Maari kang sumangguni tungkol dito sa malapit na munisipyo sa tinitirahang lungsod o bayan.☆ Paupahang Pabahay /Chintai Jutaku
Sa Japan, karaniwan kapag naghahanap ng mga pabahay na matitirahan ay dumadaan sa isang “Fudousan /ahente sa pagbebenta at pag-uupa ng bahay/ lupa” upang pumerma ng kontrata. Sa pagkontrata depende sa napili mong tirahan, mayron mga kinakailangang bayarin “Reikin at Shikikin. Ang (Reikin ay bayad pasasalamat sa may ari ng paupahan at hindi na ito ibabalik sayo. Ang Shikikin ay inilalaang bayad para sa pagpapaayos ng mga ari-arian upang maibalik ito sa dating kondisyon kung ang nangungupahan ay aalis na, marahil may pagkakaton na ibinabalik ang bahagyang bahagi ng ibinayad at saka, mayron din mga kaso na kinakailangan ng Rentai Hoshonin /Garantor at kaso ng kinakailangan ng Yachin Hoshogaisha /Kumpanyang maaring bayaran sa paggagarantor. At bilang karagdagan may bayarin din sa Fudosan bilang komisyon (Chukai-tesuryo). Karaniwan isinasama na rin sa kontrata ang bayarin sa Seguro sa Sunog (Kasai- hoken). Bilang karagdagan, may bayarin din sa pamamahala (Kanri-hi) at bayarin para mag-ulit ng kontrata (Koshin-ryo) tuwing ika-2 taon.Mapapakinabangan na mga Sayt
- [Websayt ng ahensiya sa paghanap ng mga tirahan ] (Pampublikong Korporasyon)Asosasyon para sa usaping- lote ng bahay at gusali sa Prepektura ng Shiga
- [ Listahan ng mga real- estate agency na nakapagsasalita ng ibang wika(Pampublikong Korporasyon)Asosasyon ng mga namamahala sa pagpaparenta sa Japan)
- [ Tungkol sa maayos na paglipat sa mga paupahang pabahay sa mga dayuhan] Kagawaran ng Lupa, Imprastraktura, Transportasyon at Turismo
滋賀県の居住支援・住宅セーフティネット制度
滋賀県での高齢者世帯、障害者世帯、外国人世帯、子育て世帯の入居を受け入れる民間賃貸住宅等の情報です。- Tulong-Pabahay. Sistema para sa ligtas na pabahay (Safety-net System) sa Prepektura ng Shiga
- Sistema para sa ligtas na pabahay (Safety-net System) sa Prepektura ng Shiga
Seguro para sa Sunog (Kasai Hoken)
Hindi alintana kung nangungupahan o may-ari ng tinitirahan, kailangan nakapisan sa Seguro ng sunog /kasai-hoken. Sa kaso ng mga paupahang apartment at condominium, karaniwan na sa mga “may ari ng paupahan /oyasan” at ng “umuupa /nyukyo-sha”na pumisan sa seguro ng sunog sa oras ng pagtira/nyukyo-ji at sa pagrenew ng kontrata /koshin-ji. Dahil pagmamay ari ng may ari ang gusaling paupahan, kukuha ng seguro sa sunog para sa gusali ang “may ari’ at pasanin din niya ang bayarin nito, habang ang umuupa ay kukuha ng seguro para sa mga kagamitan sa loob ng bahay kagaya ng mga kasangkapan sa bahay at aplyanses at ang bayarin sa seguro ay sa “umuupa” din. Kung ikaw ang may ari ng tirahan /bahay, ikaw ay saklaw sa ilalim ng patakaran sa seguro sa sunog na saklaw pareho ang seguro sa sunog sa gusali at mga kasangkapan sa bahay.☆ Sariling Bahay (Mochi-ie)
Sa Japan, walang limitasyon sa nasyonalidad, katayuan ng paninirahan kung bibili ng bahay at lupa. Gayunpaman, tanging ang mga permanenteng residente at mga pinagkalooban ng katayuan ng paninirahan na may espesyal na permanenteng residente lamang ang nararapat na makakuha ng pautang na pabahay. Kung matugunan mo ang pamantayan para sa edad, kita, at mga taon ng serbisyo, at pumasa sa pagsusuri, maaari kang makakuha ng pautang na pabahay. Bilang karagdagan, kung matugunan mo ang iba pang mga kinakailangan at kundisyon, maaaring makatanggap ng pagbabawas sa buwis ng interes sa inutang na pabahay mula sa pang-huling pagbalik-buwis/Final tax return. Kung nagbago ang inyong sitwasyon-pinansiyal pagkatapos makakuha ng pautang na pabahay, kinakailangan ikonsulta mo ito sa banko na hiniraman para sa muling pagpapondo/refinancing o baguhin ang pagbayad/repayment ng inyong utang sa pabahay. Bilang karagdagan, ang mga nagmamay-ari ng tirahan sa unang araw ng Enero ay kinakailangang magbayad ng buwis sa ari-arian/amilyar/koteishizanzei na kinakalkula batay sa kanilang mga ari-arian sa opisina ng munisipyo ng lungsod o bayan kung saan sila nakatira.Datos ng mga bakanteng bahay (Akiya Bank)
Ito ay isang sistema kung saan ang mga impormasyong nakarehistro ng mga taong gustong umupa o kaya magbenta ng kanilang mga bakanteng bahay ay ipinakikilala sa mga taong nais umupa o kaya bumili ng mga bakanteng bahay. Mangyaring magtanong kung may Akiya Bank sa sangay ng pabahay sa opisina ng munisipyo sa lugar kung saan nais ninyong tumira.Tanggapan ng konsultasyon sa oras ng problema (Libreng konsultasyon)
- Serbisyong konsultasyon para sa mga problema habang nakatira, pagkansela ng kontrata at pag alis sa pabahay
- ・Sentro ng Usapin ng Mamimili sa Prepektura ng Shiga (Shohi Seikatsu Center) (Hikone) / TEL 0749-23-0999
- ・Mga tanggapan ng konsultasyon sa usapin ng mamimili sa bawat lungsod at bayan sa Prepektura (Kennai Kaku-Shi-Machi no Shohi Seikatsu Soudan Center)
- Mga serbisyong konsultasyon para sa iba't ibang isyu sa pabahay tulad ng pagkuha ng bahay, mga depekto, problema sa mga kontratista, atbp.
- ・Sumairu Diyal/ TEL 03-3556-5147
~Ano ang mga dapat kong gawin kung gusto ko nang lumipat? ~
・Abiso
Magsumite ng abiso ng paglipat sa tanggapan ng munisipyo kung saan ka nakatira. Pagkatapos makalipat sa loob ng 14 na araw ay kailangan magsumite ng abiso ng paglipat sa opisina ng munisipyo ng bagong address. Kailanganin din baguhin ang address ng inyong residence card at individual number card. Bukod pa rito, kung may mga anak, kailanganin din kumpletuhin ang pamamaraan para sa paglipat ng nursery school, kindergarten, o paaralan. Kailangan din makipag-ugnayan sa inyong trabaho, bangko, at baguhin ang address ng lisensya sa pagmamaneho. Kung magsumite ka ng abiso ng paglipat ng tirahan sa opisina ng koreo/pos opis bago ka lumipat, ipapasa ang inyong mga sulat mula sa lumang address tungo sa inyong bagong address.Pakikipag-ugnayan sa mga Kapitbahay
Sa Japan, kaugalian na sa mga taong lumilipat sa bagong bahay na bumati sa kanilang mga kapitbahay. Kilalanin ang iyong mga kapitbahay at makiusap kung maari kang turuan tungkol sa mga lokal na patakaran, tulad sa mga araw ng koleksyon ng basura at mga lokasyon nito, mga lugar ng paglikas sa kaso ng sakuna at iba pa. Samahan ng mga magkakapitbahay (Jichikai) 。Ang bawat lugar ay may mga samahan ng mga magkakapitbahay na pinamamahalaan ng mga nakatira rito. Ang samahan ng mga magkakapitbahay ay kasali sa iba’t ibang aktibidad, tulad ng pag iwas sa krimen, pag iwas sa kalamidad at mga aktibidad sa pagpapaganda upang mapabuti ang kalidad ng buhay sa komunidad. Tinutulungan din nila ang mga nakatirang mga kabataan, isang samahan ng mga kabataan “Kodomo Kai”na tangkilikin ang mga palakasan, pagdiriwang, at iba pang mga aktibidad. Para sa pagpapatakbo ng mga proyektong ito, ang mga miyembro ay nagbabayad ng mga bayarin sa pagiging miyembro at itinatalaga ang mga tungkulin at responsibilidad. Bilang karagdagan, ang isang “inililibot na impormasyon/Kairanban” na naglalaman ng mga detalyadong lokal na impormasyon ay ipinapasa. Ang pagsapi sa isang asosasyon ng kapitbahayan ay boluntaryo, ngunit maaaring kailanganin din magpamiyembro sa ilang mga kaso, tulad nang kapag ang isang asosasyon ng kapitbahayan ay siyang namamahala sa isang lugar ng pangongolekta ng basura. Kung sakaling magkaroon ng sakuna, kinakailangan ang tulong sa isat’t isa, kaya mahalagang mapanatili ang magandang relasyon sa inyong mga kapitbahay.※ Mangyaring tiyakin kung mayron o walang samahan ng kapitbahayan sa inyong lugar, dahil ang mga kaganapan at mga bayarin ay depende sa lugar.
Mga nilalaman ng konsultasyon
Pangunahing suporta para sa mga apektado ng bagong COVID-19
Sagot
Jukyokakuho-kyufukin (Benipisyong-pabahay ,babayaran ang renta deretso sa may ari )
Naangkop
Sa loob ng 2 taon pagkaalis sa trabaho・pagsara ng kabuhayan, o kaya pagbaba ng kita dulot ng pagkaantala ng trabaho, na may kaparehong kondisyon katulad doon sa mga umalis sa trabaho.Panahon pagbayad
3 Buwan ayon sa tuntunin(Pinakamataas hanggang sa 9 na buwan)Halagang ibabayad
Halagang katumbas sa renta at deretsong ibabayad ng mumusipyo doon sa may ari.Aplikasyon
Sa bawat munusipyo ng lungsod para sa mga nakatira sa mga lungsod.Sa bawat social welfare council ng bawat bayan kung saan nakatira.Detalye
e-click dito para sa impormasyon patungkol sa mga benepisyo sa seguridad sa pabahay★ Tanggapan ng pansamantalang pagtira sa mga pabahay ng Prepektura.
Naangkop
Para doon sa mga natanggal sa trabaho dulot ng epekto ng COVID-19 at walang ibang mapagpipilian kundi umalis sa kanilang mga tinitirahan.Panahon ng paglipat
Pinakamahaba ang 1 taonAplikasyon
Sangay ng pam-prepekturang pabahay,Kagawaran ng pampublikong pagawain at transportasyon (Tel 077-528-4234)★ kung may mga katanungan patungkol sa pangkabuhayan, huwag mag atubiling sumangguni ! sa sangay ng pangkagalingan at sa tanggapan ng pangkagalingan panlipunan sa inyong lungsod o bayan!
Mga nilalaman ng konsultasyon
Paupahang Tirahan
Sagot
Kung nais mong magrenta ng bahay o apartment, mangyaring kumunsulta sa ahente ng real estate(Fudousan Gyousha).
Lahat ng iyon ay kinakailangan para sa kontrata
Deposito(Shikikin)
Pera na idedeposito sa may-ari bilang kolateral para sa pagbabayad ng renta. Mare-refund(mababalik) ito kapag lumipat ka. Kung mayroong anumang pinsala sa nirerentahang bahay at kung may hindi nabayarang upa sa bahay na nirentahan, ibabawas ang gastos sa pagkumpuni, ngunit ibabalik ang balanse.Key Money/perang ibabayad bilang pasasalamat(Reikin)
Isahang kabubuang halaga na ibabayad sa may ari bilang pasasalamat na hindi na puwedeng maibalik(marefund).kabayaran
Kapag makisuyo ka sa isang ahente ng real estate na kumilos bilang isang tagapamagitan,nangangailangan at karaniwang tumatagal ito ng isang buwan.Mga nilalaman ng konsultasyon
Naghahanap ako ng bahay na matitirhan
Sagot
Bukod sa pabahay ng prepektura at ng munisipyo, mayroon ding mga pribadong pabahay. Ukol sa pabahay ng munisipyo, magtanong sa inyong munisipyo.
-
Prefectural Housing Shiga Prefectural Housing Management Center
℡ 077-510-1500
℡ 077-510-1501 (For foreigners only) - Shiga Anshin Leasing Support Project
- 日本賃貸住宅管理協会
Japan Property Management Association - UR Rental Housing
- VILLAGE HOUSE (ENG, POR)
- Daito Kentaku (Multilingual)