Mga nilalaman ng konsultasyon

Mapayapang Pamumuhay Serye(2) Pag-iwas sa Kalamidad Paano Maproprotektahan ang Buhay mula sa mga Sakuna/Kalamidad!

Sagot

Ang Japan ay isang bansang madaling tamaan ng mga likas na sakuna/kalamidad gaya ng mga lindol, tsunami, bagyo, malakas na ulan, malakas na snow (niyebe, atbp.). Mahalagang matutunan ang tungkol sa mga tulad nitong mga sakuna/kalamidad upang makapaghanda nang maaga para mabawasan ang pinsala kapag mangyari ang mga ito.
Ang mga impormasyong kapaki-pakinabang sa panahon ng sakuna ay pinagsama-sama at naitala (posted) sa websayt ng Ahensya ng mga Serbisyong Pang-Imigrasyon (Immigration Services Agency Website).
Mangyaring e-download ang apps at palagiang gamitin ito, magiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa mga panahon ng kagipitan/emerhensiya.
Mangyaring panoorin din ang bedyo tungkol sa oryentasyon sa pamumuhay at sa (mga emerhensiya at sakuna) din.

 「Kapaki-pakinabang na mga impormasyon sa panahon ng sakuna」( Websayt ng Ahensya ng mga Serbisyong Pang-Imigrasyon (Immigration Services Agency Website)

Mga apps na maaaring e-download mula dito
  • Safety tips
  • Ang app na ito ay kapaki-pakinabang para malaman ang tungkol sa mga impormasyon ng sakuna sa Japan, tulad ng mga babalang pang-emerhensiya at impormasyon sa mga panahon.
  • Voice Tra
  • Isang multilinguwal na voice app na nagsasalin ng mga banyagang wika kapag kinakausap mo ito.
  • NHK WORLD-JAPAN
  • Pagbabahagi ng mga balita mula sa NHK. Nagpapahayag din ng mga impormasyong-pang-emerhensiya sa mga lindol at tsunami.
Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism Disaster Prevention Portal (Portal sa Pag-iwas sa Sakuna ng Ministri ng Pang-lupa, Pang-Imprastraktura, Transportasyon at Turismo)
Ang portal na ito ay nagbibigay ng impormasyon na maari mong malaman araw-araw tungkol sa pag iwas sa sakuna (disaster prevention), gayundin ang impormasyon na maari mong alamin kung sakaling magkaroon ng sakuna.
  Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism Disaster Prevention Portal (Portal sa Pag-iwas sa Sakuna ng Ministri ng Pang-lupa, Pang-Imprastraktura, Transportasyon at Turismo)

☆Mga Dapat Malaman Tungkol sa Likas na Sakuna/Kalamidad☆

Lindol/Jishin

Kapag nagkaroon ng malakas na lindol, maaaring bumagsak ang mga gusali, sumiklab ang apoy, at magkaroon ng pagguho ng lupa. Maaaring maputol ang mga pinagmumulan ng ikinabubuhay (lifeline) gaya ng kuryente, tubig, at gas, at huminto ang pampublikong transportasyon tulad ng mga tren at bus. Kapag lumilindol, ang pagtiyak sa kaligtasan ang pangunahing priyoridad. Mahalagang ibaba ang iyong postura, sumilong sa ilalim ng mesa o sa katulad na istraktura upang protektahan ang iyong ulo, at huwag gagalaw hanggang sa tumigil ang pagyanig.
Para sa karagdagang impormasyon → ↓
  「“Paghandaan ang lindol sa paggawa ng mga bagay na kayang gawin”!!!」

Bagyo at Malakas na Pag-ulan/ Taifu, Ooame

Mula tag-araw hanggang taglagas, palaging dinadaanan ng bagyo ang Japan. Ang malakas na ulan at malakas na hangin ay maaaring maging sanhi ng pagkabuwal ng mga puno, pagkatumba ng mga poste ng kuryente, at pagkasira ng mga bubong. Mahalagang subaybayan ang mga pinakabagong impormasyon ng bagyo. At kung mayroong anumang bagay sa paligid ng inyong bahay o sa inyong balkonahe na maaaring tangayin ng hangin, ilipat ito sa loob ng bahay o sa ligtas na lugar. Kinakailangan din na maghanda para sa pagkawala ng kuryente sa pamamagitan ng pag-iimbak ng mga kandila, flashlight, baterya, at mga power banks. Bilang karagdagan ang malakas na pag-ulan ay humahantung din sa panganib ng pagbaha ng ilog at pagguho ng lupa, kaya mangyaring huwag lumapit sa mga mapanganib na lugar.

Malakas na Pag ulan ng Niyebe /Ooyuki

Sa may hilagang bahagi sa Prepektura ng Shiga ang pag ulan ng malakas na niyebe ay nararanasan kada taon. Ang impormasyon sa lagay ng panahon na may kaugnayan sa malakas na pag ulan ng niyebe ay inaanunsiyo ilang araw nang maaga, kaya siguraduhing alamin ang impormasyon ng paunang babala. At kung inaasahan ang pag ulan ng niyebe, maghanda nang maaga ng mga kagamitan sa pag-alis sa niyebe (tulad ng mga kagamitan sa pagpatunaw ng niyebe at mga pala) at mga kagamitan proteksiyon sa malamig na panahon. Mahalaga rin na gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga nakapirming (Freezing) tubo ng tubig, mag imbak ng tubig na maiinom, at sa bathtub para sa pang-araw-araw na paggamit. Sa mga nagmamaneho ng sasakyan seguraduhin palitan ng mga gulong pang-niyebe“Studless tires” ang mga sasakayan ng maaga.

☆Mga Dapat Gawin Bago Dumating ang Sakuna☆

Mga kaalaman sa ligtas na pagpupuwesto ng mga Kasangkapan/ Muwebles

  • Ipuwestong mabuti ang mga kasangkapan sa dingding upang maiwasan bumagsak ang mga ito.
  • Iwasan maglagay ng mga kasangakapan sa mga silid-tulugan at sa mga silid-pambata.
  • Ipuwestong mabuti ang mga kasangkapan, seguraduhing hindi mahaharangan ang pasukan at labasan na mga pintuan kung sakaling bumagsak ang mga ito.

Maghanda ng isang Pang- emerhensiyang Bag

Ihanda nang maaga sa inyong bag ang mga bagay na kailangan mong dalhin sa panahon ng emerhensiya, tulad ng pasaporte, residence card, mga mahahalagang bagay, gamot, maskara, damit na panloob at pera,upang madali itong mabitbit anumang oras kung pupunta sa mga sentro ng likasan/evacuation center.

Mag imbak ng mga Pagkain, Inumin atbp.

Bilang paghahanda sa sitwasyon kung sakaling maputol ang mga pinagmumulan ng ikabubuhay (lifeline) gaya ng kuryente, gas at tubig, palaging mag imbak ng mga maiinom na tubig at mga pangmatagalan na mga pagkain
Maghanda nang hindi bababa sa pang 3 araw
  • Tubig na Inumin: 3 litro/tao /kada araw pang-3 araw
  • Pagkain Pang-emerhensiya: Alpha rice (kaning-luto na pinatuyo), pasta, de latang pagkain, madali at nakahanda ng mga pagkain, galyetas/kuki, tsokolate atbp.
  • At iba pa: Toilet paper, portableng-palikuran, Pamunas (wet wipes), panindi (lighter), plaslayt, portableng-kalan, plastik na supot, pambalot na plastik, atbp.
  • Tubig para sa pang-araw-araw na paggamit: Maghanda ng maiinom na tubig sa pang araw-araw na konsumo sa pamamagitan ng pag imbak nito sa mga plastik na tanke.
※Ang bawat isa ay may iba't ibang pangangailangan, kaya seguraduhing maghanda ng mga bagay na naayon sa inyong sitwasyon.

Paano Kumpirmahin ang Kaligtasan ng mga Miyembro ng Pamilya

  • Magtalaga ng isang tagpuang-lugar at kung papaano makontak ang bawat isa sa pamilya ng maaga.
  • Sa panahon ng sakuna, maaaring mahirap kumonekta sa mga telepono, kaya't ang “Saigai-yo Dengon Diyal 171” ay kapaki-pakinabang.
Paano gamitin ang “Saigai-yo Dengon Diyal 171” (Diyal 171 Mensaheng Pang-emerhensiya sa Sakuna)
Para i-rekord: ① Diyal 171→1 ②Numero ng iyong telepono ③ I-record ang inyong mensahe
Kapag gusto mong i-play muli: ① Diyal 171→2 ②Numero ng taong gusto mong alamin/itsek ③I-play muli ang mensahe

Kumpirmahin ang mga Kanlungan ng Likasan/ Evacuation Shelter at mga Ruta nito.

  • Makilahok sa mga lokal na pagsasanay sa pag-iwas sa Sakuna at mga pagsasanay sa paglikas.
  • Alamin sa lokal na mapa ang mga lugar na peligro sa panganib kung magkaroon ng sakuna at mga ligtas na ruta para sa paglikas.
Hazard Map Portal Site. Ministry of Land. Infrastructure. Transportation and Tourism. Geospatial Information Authority of Japan , Portal sayt (websayt) ng nasa mga peligrong lugar sa mapa. Ministri ng Pang-lupa, Pang-Imprastraktura, Transportasyon at Turismo. (GSI, Isang ahensiya ng pamahalaan ng Japan na nagsasagawa ng pangunahing pagsisiyasat,pagmamapa,paglilinaw ng kondisyon ng lupain sa Japan)

☆ Tandaan ang mga numerong pang-emerhensiya at kapaki-pakinabang na mga tuntunin

Hinan-basho / Lugar para sa paglikas:
Pansamantalang lugar para sa emerhensiyang paglikas, pinakapangunahin ay sa mga parke at plaza.
Hinan-jo / Bahay-silungan ng mga lilikas:
Pasilidad na maaaring manatili nang libre ang sinuman sa isang tiyak na tagal ng panahon sakaling magkaroon ng sakuna.
110
# 110 Pulis:Pag-uulat /report ng mga insidente at aksidente
119
# 119 Kagawaran ng bumbero, trak ng bumbero, ambulansya, pag-abiso sa emerhensiya kung kinakailangan
#7119
# 7119 Pagkonsulta sa telepono sa oras ng emerhensiya: Kapag hindi ka sigurado kung pupunta ka sa ospital o tatawag ng ambulansya.
Kinkyu sokuho (Pang-emerhensiyang alerto): /em>
Mga mensaheng may kaugnayan sa buhay,tulad ng paglikas at mga babala.
Yoshin (Aftershock):
Mga maliliit na lindol pagkatapos ng isang malaking lindol.
Hinan (Paglikas):
Paglipat sa isang ligtas na lugar mula sa isang sakuna
Tokai (Pagkaguho):
Pagkawasak ng mga gusali.
Dansui (Kawalan ng tubig):
Walang tubig.
Kyusuijo(Istasyon ng suplay/bigayan ng tubig):
Isang lugar kung saan maaaring makakuha ng inuming tubig.
立入禁止Tachiiri Kinshi (Bawal pumasok):
Mga lugar na mapanganib at hindi dapat pasukin.
Takidashi (Pamamahagi ng pagkain pang-emerhensiya):
Nakahanda ang mga pagkain sa mga bahay-kanlungan evacuation center, parke, at iba pang lokasyon.
Okyushochi (Pangunang lunas):
Agaran gamutan at madaliang gamutan ng isang pinsala.
“Tasukete!” (“Tulong!”):
Kung may problema/nababagabag, humingi ng tulong sa Wikang Hapon.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Nagsagawa ka na ba ng mga hakbang para sa kaligtasan ng iyong tahanan?

Sagot

Gumawa ng mga hakbang tulad ng pagsasaayos ng mga gamit sa bahay, paglalagay ng mga ito sa matatag na puwesto at pag-iwas sa pagbagsak ng mga kagamitan.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Nakahanda na ba ang iyong mga gamit na pang-emerhensiya?

Sagot

Para sa paglikas (evacuation), ihanda and sapatos na goma o sneakers at ilagay ang mga sumusunod sa isang bag na tulad ng knapsack: takip sa mukha (mask), guwantes, damit na panloob, mga gamot, pagkaing pang-emerhensya, tubig, pera, insurance card, listahan ng mga numerong kokontakin, kopya ng ID card (pasaporte at residence card), at iba pa.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Alam mo ba kung nasaan ang pinakamalapit na evacuation area (hinan-jo)?

Sagot

Magtanong sa mga kalapit-bahay o bisitahin ang inyong munisipyo at tiyakin ang “mapa ng mga mapanganib na lugar” (hazard map) sa inyong pook. Mahalagang tandaan ang salitang “hinan-jo” (evacuation area), pati na rin ang kanji nito (避難所) ! Huwag mag-atubiling pumunta sa hinan-jo kahit na hindi nakakaunawa ng wika.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Paano ipinagbibigay-alam ang mga impormasyon sa oras ng kalamidad?

Sagot

Ang “paghahanda sa paglikas” (hinan jyunbi), “abiso sa paglikas” (hinan kankoku), at “pag-uutos sa paglikas” (hinan shiji) ay ipinararating sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, internet, cellphone at sa paunawang mula sa mga sasakyang naglilibot sa komunidad upang magbigay ng babala, komunikasyon sa radyo sa oras ng kalamidad, at iba pa. Magpunta sa hinan-jo nang may pag-iingat sa mga nagaganap sa inyong paligid.
*Gamitin ang serbisyo ng “Disaster Emergency Message Dial 171” (saigai-yo dengon dial 171), “Disaster Emergency Message Board web 171” (saigai-yo dengon-ban web 171) at email upang mag-iwan ng mensahe, sa halip na telepono, na inaasahang magiging mahirap ang koneksyon. Pag-usapan ang mga paraan upang makontak ang bawat miyembro ng pamilya. Maghanda ng higit sa isang pamamaraan ng komunikasyon kung sakaling hindi ito magamit (tulad ng Twitter, LINE, Facebook, atbp.) I-download sa inyong cellphone ang mga application na mapapakinabangan sa oras na maganap ang lindol.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Paglilikas ng mga alagang hayop sa oras ng kalamidad

Sagot

  • Siyasatin nang maaga sa munisipyo kung aling mga evacuation area ang nagpapahintulot sa pagsasama ng mga alagang hayop at maghanda antimano ng isang pansamantalang mapaglalagakan sa kanila. Ang may-ari ang siyang may pananagutan sa kanilang alagang hayop sa loob ng evacuation area.
  • Ang mga hayop ay natataranta rin sa oras ng kalamidad. Palagyan ang inyong alaga ng microchip at kabitan sila ng etiketa (tag) upang madaling matagpuan kung sila ay maligaw man.
  • Sanayin ang inyong alaga na mamalagi sa loob ng kulungan, disiplinahin sila upang huwag mag-ingay nang walang dahilan, at sanaying huwag matakot sa ibang tao.
  • Kung sila ay naiwan sa bahay o sa iba pang lugar, sumangguni sa tauhan ng inyong munisipyo na namamahala nang may kinalaman sa mga hayop.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Impormasyon sa Lagay ng Panahon

Mga nilalaman ng konsultasyon

火事になったら

Sagot

火災が発生したら,すぐに消防署に連絡する(119番)一方、バケツ、消火器などで初期消火につとめると同時に、「火事だ! ( KAJI-DA!) 」と叫んで近所に助けを求めましょう。

Mga nilalaman ng konsultasyon

地震について

Sagot

日本は地震の多い国です。ふだんから準備をしておくことが大切です。
  1. 広域避難所を市町村役場に確認しておく。
  2. 家族の集合場所を決めておく。
  3. 家具などの倒れやすいものを固定しておく。
  4. 非常用の持ち出し用品を準備しておく。
地震が起きたら
  1. 火の始末をする。
  2. 窓かドアの出口を確保する。
  3. 机やテーブルの下に隠れて身の安全をはかる。
  4. 広域避難所まで避難する。

Mga nilalaman ng konsultasyon

Paghahanda sa Lindol

Sagot

Basahin ang Serye ukol sa Paghahanda sa Lindol Sangguniang Babasahin sa Iba’t-ibang Wika “Paghandaan ang lindol sa paggawa ng mga bagay na kayang gawin ~kapag handa hindi nakakatakot ang lindol~”