Mga nilalaman ng konsultasyon

Tungkol sa Pag-unlad ng bata at ang mga suporta para dito

Sagot

Maraming mga pamamaraan sa pagsubaybay sa kalusugan at sa pag-unlad ng mga bata sa Japan.
Sa Prepektura ng Shiga ang mga bagong silang na sanggol ay sumasailalim ng pagsusuri para sa pandinig na kapansanan sa pamamagitan ng “Pagsusuri sa pandinig para sa mga bagong silang na sanggol. Kung may kahilingan, sinusuri din ang mga bagong silang para sa Kapansanan mula sa pagkapanganak (NBS)/congenital metabolic disorder upang malaman kung may mga kapansanan ito na siyang nagiging dahilan sa pagbagal ng progreso sa pag-unlad dahil sa mababa ang metabolismo nito o natatago, at mabigyang lunas upang mapigilan ang pagkakaroon ng kapansanan.
Ang mga sanggol at mga bata ay sumasailalim sa pagsusuri mula sa mga pang-munisipalidad na pagsusuri at may pagsusuri din sa mga bata bago sila pumasok sa paaralan sa elementarya, maliban sa pagsubaybay sa bakuna, ang mga dokumento at mga konsultasyon mula sa mga magulang, pagsusuri sa kalusugan na isinasagawa sa mga partikular na panahon ng pambatang progreso para sa maagang pagsusuri at paggamot sa kapansanan mula sa espesyalistang pangangalaga sa kalusugan.
Dahil ang mga katangian ng ilang mga kapansanan sa paglaki ng bata ay makikita lamang sa ilang mga yugto ng progreso, mahalagang makatanggap ng mga pagsusuri sa kalusugan sa nabanggit na edad na tinutukoy ng bawat pamahalaang munisipal.

Mga Samahan para sa may mga kapansanan sa pag-unlad

May mga pagkakataon para matuto at may mga ibang pasilidad na angkop doonsa pangangailangan ng bawat isa.
0~6 gulang Pagsusuri sa kalusugan ng mga sanggol
Hoikuen, Kodomoen, Youchien, Opesinang sumusuporta para sa pag unlad ng bata, Sentro ng suporta sa para sa pag unlad
7~15 gulang Konsultasyon para sa pag aaral
Elementarya・Haysku(JHS)(Karaniwan, (regular, tukoy na kondisyon, klase ng mga espesyal na pangangailangan)、Espesyal na pangangailangan na paaralan(Kurso para sa elementarya, JHS,SHS)
16~ 18 gulang Konsultasyon para sa pag aaral
Senior Hayskul, Pangalawang paaralan sa sekondariya, Para sa may espeyal na pangangailangan Serbisyo sa pagkatapos ng pang -araw na pag aaral
19 gulang+ Mataas na paaralan・Pang-trabahong konsultasyon
Unibersidad・Pang-bokasyunal na paaralan,kumpanya Serbisyo, base sa pangkomprihensibong suportang batas sa taong maykapansanan (Tanggapan ng suporta sa pagbabago ng trabaho、tanggapan ng suporta para sa pagpapanatili ng trabaho)
Mga Organisasyon na tumatanggap ng pagsangguni o mga suliranin patungkol sa pag unlad ng bata
  • Mga Sentrong sumusuporta sa pagpaunlad. Mga sento ng pangkalusugan,Seksyon para sa pangkapakanang ng may kapansanan sa bawat lungsod o bayan.
  • Institusyong pang-medikal(Doktor para sa mga bata. Doktor sa pangkaisipan)
  • Sentro ng Edukasyon sa Prepektura ng Shiga ℡ 077-588-2505
Kung hindi mo alam kung saan dapat makipag ugnayan、o kung nagkasabay-sabay ang mga kapansanan na nagangailangan ng espesyalistang pangangalaga” makipag-ugnayan sa “Shiga prefecture medical welfare one-stop consultation desk”
Shiga prefecture medical welfare one-stop consultation desk
℡ 077-569-5955
☆Ang Sentro ng Pambansang Rehalibitasyon para sa may mga kapanasanan ay may mga impormasyon sa ibat-ibang wika. Gamitin ito para sa inyong sanggunian/reperensiya.
Ang Sentro ng Pambansang Rehalibitasyon
  http://www.rehab.go.jp/ddis/world/brochure/

I-download ang PDF

Mga nilalaman ng konsultasyon

Pangunahing suporta para sa mga apektado ng bagong COVID-19

Sagot

Ang Prepektura at ang Pambansang Pamahalaan ay nagpatupad ng ibat ibang mga pangunahing hakbangin tugon doon sa mga apektado ng COVID-19. Sa ibaba ang listahan ng mga pangunahing hakbang bilang suporta na idinulog sa Sentro ng impormasyon para sa mga dayuhang residente ng Shiga. Para sa mga detalye, sundan lamang po ang pamphlet ng Kagawaran ng Pang-Kalusugan Paggawa at kagalingan panlipunan at ang mga listahan ng mga suportang hakbangin mula sa Pang-Prepekturang Pamahalaan at Pang-Gobyernuhang pamahalaan ng Shiga.

Espesyal na benepisyo sa mga solong magulang na sambahayan na mababa ang kita (Teishotoku hitori-oya-setai -rinji-tokubetsu-kyufukin)

Naangkop na makakatanggap ng sustento

Para doon sa saklaw ng mga sumusunod.
  1. ① Para doon sa tumangap ng suportang sustentong pang-bata (Jidou- fuyu -teate) sa buwan ng hunyo
  2. ② Para doon sa tumatanggap ng Pampublikong-suporta at kabuuang halaga ng suportang sustentong-pambata(Jidou-fuyu-teatte) sa buwan ng Hunyo, 2020 ay suspendido(Itinigil)
  3. ③ Mga sambahayan na nakaranas ng biglaang pagbabago ng kalagayang pinansiyal dulot ng COVID-19 at ang kita ay nasa parehong antas sa mga sambahayan na tumatanggap ng suportang sustento pang-bata (Jidou-fuyu-teate).
  4. ※ Ililipat ang matatanggap na benipisyo sa Hunyo ng Reiwa2 sa buwan ng agosto doon sa account ng mga sambahayan na tumutugma sa ① at para sa ②at③ kailangan nito ng aplikasyon.

Karagdagang sustento

Para doon sa tumutugma sa ①at ②sa itaas ay pupuwedeng mag apply para sa isahang- beses lang na karagdagang benipisyo. (Sambahayan na nakaranas ng biglaang pagbabago ng kalagayang pinansiyal dulot ng COVID-19.

Matatanggap na halaga

:Karaniwang halaga :50,000yen/Sambahayan,at karagdagan na 30,000yen sa bawat dagdag na bata
:Karagdagang sustento :50,000yen/Bawat sambahayan

Aplikasyon

“Espesyal na benipisyo para sa solong magulang” (Sangay ng suportang sustentong-pambata ) sa nasasakupang munusipyo ng bayan o lungsod.
(Palugit na araw Pebrero 28,2021)

Tulong-pinansiyal para sa nakapirming halaga(sa mga nagpapatakbo ng negosyo) (Jizokuka-kyufukin)

Naangkop

Bumaba ang isang buwan na kita ng 50% kumpara sa kita sa parehong buwan sa nakaraang taon dulot ng COVID -19

Halagang Benepisyo

2 Milyon yen para sa korporasyon, 1 Milyon yen para sa mga indibiduwal na negosyante   ※Pinakamataas na halaga ng benepisyo ay ang kabubuang halaga ng ibinabang kita mula sa nakaraang taon
 

Aplikasyon

[Tulong-pinansiyal para sa nakapirming halaga/Jizokuka-Kyufukin) Aplikasyon sa online https://www.jizokuka-kyufu.jp
(Palugit na araw Enero 15,2021)

Pundong- tulong-pinansiyal at ayuda para sa mga naantala sa trabaho dulot ng COVID-19 (Kyuugyoushienkin)

Naangkop

Para doon sa tumutugon sa 2 kondisyon
  1. ① Para doon sa mga mangagawang sa mga ng maliit at katamtamang pangkabuhayan na inatasan ipagpaliban ang pagpasok sa trabaho mula sa pagitan ng Abril 1 hanggang septyembre 30, 2020
  2. ② Para doon sa mga hindi nakatanggap ng kanilang sahod habang lumiban sa trabaho (Kyugyou-teate).

Benepisyo

80% ng sahod bago lumabas sa trabaho(Pinakamataas na buwanang pagbayad ng 330,000yen)

Aplikasyon

Porma ng aplikasyon
Pamamaraan ng aplikasyon sa Koreo

Jukyokakuho-kyufukin (Benipisyong-pabahay ,babayaran ang renta deretso sa may ari )

Naangkop

Sa loob ng 2 taon pagkaalis sa trabaho・pagsara ng kabuhayan o kaya pagbaba ng kita dulot ng pagkaantala ng trabaho na may kaparehong kondisyon katulad doon sa mga umalis sa trabaho.

Panahon pagbayad

3 Buwan ayon sa tuntunin(Pinakamataas hanggang sa 9 na buwan)

Halagang ibabayad

Halagang katumbas sa renta at deretsong ibabayad ng munisipyo doon sa may ari.

Aplikasyon

Sa bawat munisipyo ng lungsod para sa mga nakatira sa mga lungsod.Sa bawat social welfare council ng bawat bayan kung saan nakatira.

Detalye

e-click dito para sa impormasyon patungkol sa mga benepisyo sa seguridad sa pabahay   

★ Tanggapan ng pansamantalang pagtira sa mga pabahay ng Prepektura.

Naangkop

Para doon sa mga natanggal sa trabaho dulot ng epekto ng COVID-19 at walang ibang mapagpipilian kundi umalis sa kanilang mga tinitirahan.

Panahon ng paglipat

Pinakamahaba ang 1 taon

Aplikasyon

Sangay ng Pang-Prepekturang Pabahay,Kagawaran ng Pampublikong Pagawain at Transportasyon (Tel 077-528-4234)
★ kung may mga katanungan patungkol sa pangkabuhayan, huwag mag atubiling sumangguni ! sa Sangay ng Pangkagalingan at sa Tanggapan ng Pangkagalingan Panlipunan sa inyong lungsod o bayan!

Mga nilalaman ng konsultasyon

Umunlad sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan!

Sagot

Maraming mga serbisyo at suporta sa Japan na batay sa batas na sumusuporta sa pagsasarili ng mga taong may kapansanan (Batas sa malawakang pagsuporta sa mga taong may kapansanan mula Abril, 2018) upang ang mga taong nagkaroon sa kung anong kadahilanan ng mental at pisikal na kapansanan, ay makapamuhay sa araw-araw sa loob ng lipunan. Kumunsulta sa inyong munisipyo kung mayroong anumang dinadalang alalahanin.
Ang mga taong may kapansanan ay nahahati sa mga may kapansanang intelektuwal, kapansanang pisikal, at kapansanang mental (kasama rito ang developmental disorder), at kasama rin dito ang mga magagaang na kapansanan. Sila ay maaaring makatanggap ng iba’t-ibang uri ng sistema ng suporta at serbisyo ayon sa uri at antas ng kanilang kapansanan. Para rito, kinakailangang mag-apply sa munisipyo sa pagkuha ng "Katunayan ng Pagkakaroon ng Kapansanan” (shougaisha techou): Katunayan para sa mga may kapansanang pisikal (shintai shougaisha techou), Katunayan ng pagre-rehabilitasyon, tulad ng rehabilitasyon ng mga batang may kapansanan (ryouiku techou), at Katunayan para sa mga may kapansanang mental (seishin shougaisha hoken fukushi techou). Ang pagkilala sa pagkakaroon ng kapansanan ng isang tao ay nangangailangan ng pagpapasiya ng mga medikal na institusyon at ng mga dalubhasang ahensiya.

Mga nilalaman ng konsultasyon

Mga serbisyong matatanggap sa pagtatamo ng Katunayan ng Pagkakaroon ng Kapansanan (shougaisha techou)

Sagot

  • Serbisyong medikal sa pagsuporta sa pagsasarili ng mga taong may kapansanan (jiritsu shien iryou)
     Upang mapagaan ang mga kapansanan ng katawan at pag-iisip, babawasan ang halaga ng babayaran sa mga gastusin sa pagpapagamot.
  • Serbisyo para sa kapakanan ng mga may kapansanan (shougai fukushi service)
      Mayroong serbisyo na tulad ng pangangalaga sa loob ng bahay, pangangalaga ng ga may malubhang kapansanan sa loob ng bahay, pagsuporta sa mga aktibidad, serbisyo ng pagsama (pag-escort), panandaliang pamamalagi, group home, pangangalagang medikal, pang-araw-araw na pangangalaga, pagtulong sa mga nasa pangangalaga ng mga institusyon, atbp.
  • Serbisyo ng pagsuporta at pagbibigay ng benepisyo sa regular na pagpunta ng mga batang may kapansanan sa sari-saring mga pasilidad (shougaiji tsuusho shien kyuufu service)
      May mga serbisyong tulad ng pagsuporta sa pag-unlad ng mga bata, medical type child development support, after school day service, atbp.
    • Ukol sa mga serbisyong nabanggit, papasanin ng gumamit nito ang 10% ng basehang halaga ng ginamit na serbisyo bilang karaniwang patakaran. Subalit maaaring mabawasan ang kanilang babayaran batay sa kinikita (income) ng sambahayan.
  • Welfare Allowance (fukushi teate)
      May mga kaso kung saan maaaring mapagkalooban ng allowance at pensiyon depende sa klase at antas ng shougaisha techou. (May limitasyon sa halaga ng kinikita. Maaaring hindi matanggap ang allowance na nadoble.)
  •  
      Special Disability Allowance (tokubetsu shougaisha teate), Children’s Disability Welfare Allowance (shougaiji fukushi teate), Progressive Welfare Allowance (keikateki fukushi teate), Severe Disability Allowance (zaitaku jyuudo shougaisha teate), Special Child Rearing Allowance (tokubetsu jidou fuyou teate), Child Rearing Allowance (jidou fuyou teate), Allowance for Orphans (iji teate), Disability Basic Pension (shougai kiso nenkin), Disability Employees’ Pension (shougai kousei nenkin), Special Disability Benefits (tokubetsu shougai kyuufukin), Disability Compensation Benefits (shougai hoshou kyuufu), Disability Benefits (shougai kyuufu).
  • Iba pa
     Bukod pa sa pagbawas ng buwis sa kinikita, pagbawas ng bayad sa paggamit ng mga pampublikong pasilidad, diskuwento sa pamasahe sa mga transportasyon, at pagkakaroon ng karapatang mauna sa pangungupahan sa mga pampublikong pabahay, mayroon ring tulong sa pagtatrabaho at maaaring mas bigyan ng konsiderasyon ukol sa mga kapansanan sa paghahanap ng trabaho.
  • Mga nilalaman ng konsultasyon

    Pangangalaga at Pasilidad sa Edukasyon para sa mga Batang may Kapansanan

    Sagot

    • May mga pasilidad sa pangangalaga ayon sa uri ng kapansanan na tulad ng welfare type at medical type na pasilidad para sa mga batang may kapansanan, medical type child development support center, at iba pa.
    • child development support center
    • May sistema ng karagdagang pagpapatala at sangay sa mga paaralan para sa special support education sa mga elementarya at junior high school, pagtanggap ng pamamatnubay sa mga natatanging pagsasanay habang nag-aaral sa komunidad, at maaaring makapag-aral ng bokasyonal sa mga senior high school.
    • Mayroong 16 na paaralan para sa special support education sa bawat lugar sa loob ng prepektura.
    • paaralan para sa special support education

    Mga nilalaman ng konsultasyon

    Huwag mag-alala, agad na kumunsulta!

    Sagot

  • Welfare section para sa mga may kapansanan ng bawat munisipyo
  • Welfare center para sa mga may kapansanan ng Shiga - Pagsangguni para sa mga taong may kapansanan sa katawan at pag-iisip at sports center para sa mga may kapansanan (may pool, training room, atbp.)
    (8-5-130 Kasayama, Kusatsu City) ℡ 077-564-7327
  • Shiga Prefectural Education Center – Pagsangguni ukol sa special support education, Pagsangguni ukol sa mga batang may developmental disorder, atbp.
     Humingi ng appointment kung nais na bumisita.
    Pagsangguni sa telepono: 9:00 am -12:30 pm, 1:00 -4:30 pm
    (Kitazakura, Yasu City) ℡ 077-588-2505
  • Mga nilalaman ng konsultasyon

    Multicultural Cafeteria para sa mga Bata・Iba pa

    Sagot

    Pangalan ng Samahan: SHIPS
  • Detalye: “Multicultural cafeteria” para sa mga bata
  • Lugar: Kusatsu City, SHIPS
  • Araw / Oras : Ika-4 na Sabado 11:00 am~2:00 pm
  • Para sa impormasyon: ℡:077-561-5110
  • Pangalan ng Samahan: Kan-chan no chiisana ie
  • Detalye: Pamumuhay ng sama-sama ng iba’t-ibang kultura, pakikipag-ugnayan sa komunidad (cafeteria para sa mga bata)
  • Lugar: Omihachiman City, Kan-chan no chiisana ie
  • Araw / Oras : 1 beses sa loob ng 2 buwan
  • Para sa impormasyon: ℡:090-3708-3315
  • Pangalan ng Samahan: Hikone-shi Kodomo Tabunka Club (Hikone City Children’s Multicultural Club)
  • Detalye: Pagluluto, pagdanas sa sari-saring kultura, pagbisita sa mga pasilidad, atbp.
  • Lugar: Hikone City
  • Araw / Oras : Bakasyon sa tag-init, bakasyon sa taglamig
  • Para sa impormasyon: Hikone City Human Rights Policy Division ℡:0749-30-6113